Hoy. Ikaw. Sino ka ba?
Dada ka ng dada, kala mo'y may dahilan ang salita na sinasabi mo'y wala naman halaga sa mga taong kausap mo.
Hoy. Ikaw. Sinungalin.
Ano bang pinagsasabi mo? Ba't ka naghahanap ng paraan upang sirain ang ibig sabihin at palitan ang tungkulin ng aming pinagmamasdan?
Hoy. Ikaw. Siraulo.
Mag medisina ka nga para di na maulit ang pinagiisip mo na walang halaga sa ating mundo at para di na mauto ang mga kasama mo na wala naman may sakit katulad mo.
No comments:
Post a Comment